^

Probinsiya

Chopper bumagsak: 4 heneral, 9 pa sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Labingtatlo-katao kabilang ang apat na heneral ng Philippine National Police  ang nasugatan makaraang bumagsak ang sinasak­yang chopper ng Phil. Air Force sa palayan sa Puerto Princesa City, Palawan kahapon ng hapon.

Sa inisyal na ulat ng AFP Western Command (AFP-Wescom) bandang alas-2 ng hapon nang mangyari ang pagbagsak ng PAF Sokol 926 plane sa bisinidad ng Sitio Sabang, Brgy. Cabayugan.

Kabilang sa mga nasu­gatan ay sina P/Chief Supt. Wilben Mayor, regional director ng MIMAROPA; P/Chief Supt. Camilo Pancratius Cascolan, directorate  for operations; P/Chief Supt. Nestor Bergonia ng National Operations Command sa Camp Crame, isa pang heneral na tinukoy lamang sa pangalang P/Chief Supt. Corpus at iba pa.

Sa imbestigasyon, nagsagawa ng aerial inspection at reconnaissance flight ang nasabing Sokol 926 plane ng PAF kaugnay ng nakatakdang pagsasagawa ng ASEAN Justice Conference sa Palawan.

Nabatid na habang nasa himpapawid ay nagkaroon ng depekto sa makina ang chopper kaya bumagsak ito sa maputik na bahagi ng palayan.

AFP WESTERN COMMAND

PAF SOKOL 926 PLANE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with