Utak sa Samal Island kidnapping, tiklo
MANILA, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng barangay chairwoman na umano’y sangkot sa mga kasong kidnapping makaraang masakote ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa Kilometer 2, bayan ng Indanan, Sulu, noong Sabado ng umaga
Isinailalim sa tactical interrogation ang suspek na si Chairwoman Fauzia Abdullah ng Barangay Niyog Sangahan sa bayan ng Talipao, Sulu.
Base sa ulat na nakarating kay Col. Rodrigo Gregorio ng Information Support Team JTF Sulu, ang suspek ay nadakip sa bisa ng standing warrant of arrest sa kasong kidnapping with homicide na inisyu ni Judge Dax Gonzaga Xenos ng 11th Judicial Regional Branch 34 sa Panabo City.
Ayon kay Col. Gregorio, si Abdulla ay sinasabing nagbibigay ng sangtuaryo sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group kapag may dinudukot na banyaga
Nagbibigay din ng information network at pagkain sa mga bandidong Sayyaf.
Nabatid din na si Abdulla ay sangkot sa pagdukot kina Canadians John Ridsdel at Robert Hall, Norwegian Kjartan Sekkingstad at Marites Flor mula sa isang resort sa Samal Island noong 2015.
Ayon kay Brig. Gen. Arnel Dela Vega, commander ng JTFS, ang pagkaka-aresto kay Abdulla ay malaking dagok sa pamunuan ng ASG dahil wala nang magbibigay ng sangtuaryo, impormasyon, pagkain, at mga desisyon sa pagdukot sa mga banayagang nasa bahagi ng Mindanao.
- Latest