^

Probinsiya

Motorsiklo vs trak: 1 patay, 20 sugatan

HOUSE OF DEATH - Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang motorcycle rider habang sugatan naman ang 20 construction workers makaraang suwagin ng isang cargo truck ang kasalubong nitong motorsiklo sa kahabaan ng Roman Superhighway sa Abucay, Bataan kahapon ng umaga.

 Ang biktimang si Ernesto Bicera, 55 anyos, taga Samal, Bataan ay idineklarang dead-on-arrival sa Bataan General Hospital sa Balanga City habang nilalapatan ng lunas ang 20 obrero na lulan ng cargo truck dahil sa tinamong mga sugat sa katawan.

 Sa ulat ng Bataan Police, bandang alas-7:30  ng umaga nang magpagiwang-giwang umano ang takbo ng motorsiklo na tinangkang iwasan ng driver ng truck na may sakay ng mga manggagawa patungong Balanga City pero nahagip pa rin ito.

Sa lakas ng pag kakabangga, nagtamo ng matinding pinsala ang driver ng motorsiklo na siya nitong ikinamatay at ikinasugat ng mga sakay ng naturang trak.

vuukle comment

MISHAPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with