Kotse grinanada, niratrat: Chairman, 3 kaanak patay
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 60-anyos na barangay chairman at tatlo pa nitong kamag-anak habang dalawa pa ang nasa kritikal na kalagayan sa naganap na pananambang at pagpapasabog sa Barangay Caniogan Abajo Sur, bayan ng Sto. Tomas, Isabela noong Biyernes ng hapon.?
Pinaniniwalaang ubusan ng lahi dahil sa pulitika ang pananambang kay Chairman Montano Zipagan na namatay habang ginagamot sa Milagros District Hospital sa bayan ng Cabagan. ?
Natustado at hindi na makilala ang anak ng chairman na si Joylin Mabbayad, 23; pamangking si Jelaine Zipagan, 8; at apo na si Aira Shane Zipagan, 12, matapos pasabugin ng mga maskaradong kalalakihan gamit ang M2O3 granade launcher ang Toyota Corolla (UKL-391) ng mga biktima. ?
Sa police report na nakarating kay P/Chief Supt. Gilbert Sosa, pauwi na ang mga biktimang sakay ng kotse nang pagbabarilin ng gunmen na lulan ng isang sasakyan.
Ayon sa ulat, nagawa ng misis ng chairman na si Benita Zipagan na ihagis sa bintana ng kotse ang isang taong gulang na apo habang sila ay niratrat ng gunmen. ?
Nabatid na nakalabas ng sasakyan ang mag-asawang Zipangan nang pasabugin ang kanilang kotse at naiwan sa loob ang tatlong kaanak.
Kritikal na na?isinugod sa ospital si Benita at apo nitong si Therese Joy Zipagan. ?
Ayon sa Pulisya, bagamat nasa ikatlong termino bilang chairman si Montano ay kilala itong supporter ng natalong kandidatong mayor na si Chairman Noel Reyes.?
Ayon kay Isabela police director P/Senior Supt Leon Rafael, si Chairman Reyes ay nagtatago na simula nang mapatay nito si John-john Laggui na supporter ng nanalong Mayor na si Antonio Talaue.
- Latest