^

Probinsiya

6 pang tulak bulagta sa shootout

Ricky Tulipat, Mer Lay­son - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Anim pang kalalakihan na sinasabing notoryus na drug pusher ang napatay sa magkakahiwalay na pakikipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa bahagi ng Laguna at Rizal kahapon at kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang dalawang napatay na drug pusher sa Calamba City, Laguna na sina  Alijon Andres, 21, ng Barangay San Cristobal; at isang alyas Rafael habang ang apat naman ay nakilala lamang sa mga alyas Kalkal, Barok, Hacket, Alyas Zenkie na pawang mga kilabot na drug pusher sa Laguna at Rizal.

Sa ulat ni P/Supt. Fernando Ortega, hepe ng Calamba City PNP, sina Andres at Rafael ay aares­tuhin na sana ng mga ope­ratiba ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation nang makipagbarilan noong Sabado ng gabi sa bahagi ng Barangay Banlic sa nasabing lungsod.

Nakatakas naman ang isa sa kasama ng dalawa habang narekober naman ang 6 plastic sachet at dalawang baril sa mga napatay na tulak.

Ayon naman sa ulat ni P/Senior Supt. Lucillo Laguna, hepe ng Antipolo City PNP, napatay din sina Alyas Kalkal at Barok matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay San Roque, Antipolo City, Rizal kamakalawa ng gabi.

Narekober kina Kalkal at Barok ang cal. 45 pistol, cal. 38 revolver at 11 gramo na shabu.

Samantala, napatay din sa shootout si Alyas Hacket sa isinagawang buy-bust operation ng grupo ni P/Senior Insp. Mario David sa bahagi ng Barangay San Juan, San Pablo City, Laguna kahapon ng umaga.

Nakuha kay Hacket ang cal.38 revolver, 6 plastic sachet ng shabu at ang P100 mark money na ginamit ng pulisya sa buy-bust.

Maging si Alyas Zenkie na sinasabing notoryus drug pusher ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa isang subdivision sa Barangay Bigaa, Cabuyao City, Laguna, kamakalawa ng gabi.

Si Zenkie na nakatira sa Southville Subdivision sa nasabing lungsod ay nakatunog sa buy-bust operataion kaya ito pumalag at nakipagbarilan sa pulisya. Dagdag ulat ni Mario D. Basco

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with