^

Probinsiya

Van vs bus: Lolo utas, pulis kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 70-anyos na retiradong jail officer habang kritikal naman ang pamangkin nitong pulis makaraang salpukin ng pampasaherong bus ang kanilang Starex van sa kahabaan ng national highway sa Barangay Minanga Norte, bayan ng Iguig, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni PO2 Dan August Begenio ang namatay na si Claudio Piñon habang nakikipagbuno naman kay kamatayan sa Saint Paul Hospital si PO1 Andrew Salazar Piñon, 29, mga residente sa bayan ng Alcala, Cagayan.

Lumalabas sa imbestigasyon na unang nasagi ng Starex van (WGK-306) ni Claudio ang likurang bahagi ng pampasaherong van ni Michael Nicolas Rendon nang tangkain nitong mag-overtake.?

Gayunman, tuluyang pumagitna sa kabilang linya ang starex van ng mga biktima kaya nakasalpukan ang kasalubong na GMW Bus Liner na minamaneho naman ni Ariel Borja Layug.?

Unang isinugod ang magtiyuhin sa Cagayan Valley Medical Center kung saan idineklarang patay ang matanda.?

Nasa custody ng pulisya ang dalawang drayber na nakasalpukan ng sasakyan ng lolo para sa kaukulang imbestigasyon.

vuukle comment

ANDREW TAN

MAKATI

MAKATI CENTRAL BUSINESS DISTRICT

MEGAWORLD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with