81 tiklo sa gun ban sa Cagayan Valley
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Umaabot sa 81-katao ang nasakote dahil sa paglabas sa pinaiiral na gun ban sa buong Cagayan Valley kahapon.
Sa pahayag ni P/Supt. Chivalier Iringan ng Police Regional Office 02, ang Cagayan ang may pinakamataas na bilang ng gun ban violators na umabot sa 38; sinundan ito ng Isabela na may 18; 13 naman sa Santiago City; 11 sa Nueva Vizcaya, 2 sa Quirino at zero violator naman sa Batanes.
Sa kabuuan 79 na armas na nakumpiska, pinakamarami ay pistola na may 30 bilang, 23 revolver, 8 naman ang cal. 22 revolver, 4 na shotguns, 10 riffles, 4 na gun replicas, 2 pampasabog, mga bala at siyam na deadly weapons.
Base sa ulat ng mga provincial command mula sa Cagayan Valley PNP, 58 sa mga nasakote ay nahaharap na sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code and Republic Act 10591, (comprehensive Firearms and Ammunations Regulations Act) habang ang mga ilan ay kasalukuyang inihahanda ang kaukulang kaso.
Ayon pa kay Iringan, magpapatuloy ang operasyon ng pulisya sa rehiyon kahit na tapos na ang election period para tuluyang mawalis ang mga nagdadala ng armas na walang kaukulang papeles.
- Latest