Dating kinatawan ng La Union sabit sa P66.5M pork scam
MANILA, Philippines — Pinakakasuhan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ngayong Biyernes si dating La Union Rep. Thomas Dumpit Jr. ng graft at malversation kaugnay ng maanomalyang paggamit ng pork barrel.
Nakakita ng sapat na ebidensya ang Ombudsman para kasuhan si Dumpit dahil sa kuwestyonableng paggamit ng Priority Development Assistant Fund na nagkakalaga ng P66.5 milyon noong 2007 hanggang 2009.
Nahaharap ang dating kinatawan ng 15 counts nag paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Pratices Act, nine counts ng malversation dahil sa pamemeke ng public documents at six counts ng malversation of public funds.
"Based on the audit report submitted by the Commission on Audit (COA), the Ombudsman found that from 2007 to 2009, Dumpit received a total of P66.5 million in PDAF to fund projects such as distribution of livelihood training kits, business clinics, market development, livelihood trainings, distribution of instructional and livelihood materials, grafted seedlings, hand tractors, water pumps, manicure sets, hairdressing kits and sewing machines," nakasaad sa report.
Nalaman ng mga imbestigador na walang ipinamahaging training kits at walang naganap na training, habang ang mga nakalista sa mga beneficiaries ay pawang mga hindi residente o rehistradong botante sa La Union.
"Public officials interviewed by investigators certified that they were not recipients of the projects. Suppliers also denied issuing receipts and invoices used in the liquidation reports," dagdag ng report.
Inaalam na rin kung mapananagot ba si Dumpit sa Anti-Money Laundering Act.
- Latest