^

Probinsiya

Pulis, 2 pa tiklo sa robbery/hold-up

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong holdaper kabilang ang isang pulis na miyembro ng PNP-Aviation Security Group ang nasakote matapos masangkot sa panghoholdap sa tindahan ng ginto sa Baguio City kamakalawa.

Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina PO2 Reynaldo Daming Jr., nakatalaga sa PNP-ASG sa Pasay City; Michel Catugna, at si Efren Sidatantes Jr.

Sa ulat ni P/Supt. Cherry Fajardo, spokesperson ng Cordillera PNP na isinumite sa Camp Crame, bandang alas- 10:15 ng umaga nang pasukin ng mga suspek ang  Gina Trading Gold Buy and Sell sa kahabaan ng Upper Magsaysay Avenue, Baguio City.

Nabatid na nagpanggap na kustomer ang mga suspek at pagkapasok ay tinutukan ng baril ang may-ari ng tindahan na si Gina Estole at em­pleyada nitong si Jacquelyn Rosado.

Tinangay ng mga suspek ang P200,000 halaga ng mga ginto, P70,000 cash at isang cellphone.

Agad namang nakahingi ng saklolo ang mga biktima sa mga tao sa labas ng tindahan at sa nagpapatrulyang pulis kung saan itinimbre naman sa mga kasamahan na nagbabantay sa Comelec checkpoint.

Nakorner naman sa Gate 2 ng Camp John Hay ang mga suspek na lulan ng Nissan van (AJA 597) kung saan narekober ang mga ginto, pera, cellphone at ang cal. 9mm pistol ni PO2 Daming.

ANG

AVIATION SECURITY GROUP

BAGUIO CITY

CAMP CRAME

CAMP JOHN HAY

CHERRY FAJARDO

EFREN SIDATANTES JR.

GINA ESTOLE

GINA TRADING GOLD BUY AND SELL

JACQUELYN ROSADO

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with