^

Probinsiya

Bambanti 2016 umani ng tagumpay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

ISABELA, Philippines – Matagum­pay ang pagdaraos ng taunang Bambanti Festival 2016 sa lalawigan ng Isabela na nagtapos kahapon.?

Sa pahayag ni Dr. Jo­nathan “Totep” Calderon, director general ng Bambanti 2016, ang pagdaraos ay bilang pagpupugay sa sipag at tiyaga ng mga Isabelino na nagdala sa tugatog ng pagkilala bilang top grains producing pro­vince sa bansa at pasasa­lamat sa Dios sa natamong masaganang ani sa kabila ng sunud-sunod na kalamidad noong 2015.?

“Nilalayong paigtingin ng festival na maisama sa pagdaraos ang iba’t-ibang kinaugalian na festival sa Isabela para sa pagpapayabong ng kultura ng mga Isabeliño at pagkikilala sa mga kontribusyon ng mga iresidente na nagbigay parangal sa kani-kanilang larangan”, dagdag pa ni Bokal Calderon.

Binigyang pugay din ni Calderon ang suportang ibinuhos nina Governor Faustino Dy III at Vice Go­vernor Antonio Albano para sa matagumpay na pagdaraos ng Bambanti Festival.

 

ACIRC

ANTONIO ALBANO

ATILDE

BAMBANTI

BAMBANTI FESTIVAL

BINIGYANG

BOKAL CALDERON

DR. JO

GOVERNOR FAUSTINO DY

ISABELA

VICE GO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->