^

Probinsiya

Deputy warden patay sa 3 presong nakapuga

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napatay ang deputy warden habang isa namang pulis ang nasa kritikal na kondisyon matapos itong pagbabarilin ng tatlong presong nang-agaw ng baril sa naganap na jailbreak sa Bureau of Jail Management and Peno­logy sa bayan ng Balayan, Batangas kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si  Senior Jail Officer Leonardo de Castro, de­puty warden sa BJMP sa Balayan na idineklarang patay sa Madonna General Hospital matapos mapuruhan sa ulo.

Patuloy na isinasalba ang buhay ni PO3 Rhode­rick Botavara Balayan PNP matapos na pagbabarilin din ng tatlong preso na tinangka nitong pigilan.

Sa ulat ni Batangas Provincial PNP Director P/Senior Supt. Arcadio Ronquillo, kinilala ang mga tumatakas na sina Ajie Mendoza, 19; Marvin Cerablo, 22; at  si Jessie Pega, 29.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang pagpuga sa BJMP sa Barangay 4 sa nasabing bayan bandang alas-2 ng madaling araw.

Nabatid sa opisyal na nasa 34 preso ang nakapiit sa nasabing himpilan kung saan pinutol ng mga pugante ang rehas na bakal ng selda matapos lagariin.

Agad na nilapitan ng tatlong preso  ang nasorpresang si SJO1 de Castro at pinagtulungang agawan ng baril, pinabuksan ang ikalawang padlock saka pinagbabaril sa ulo at kasunod nito ay inutusan naman ang duty lady jailer na si Jail Officer 1 Pilita Colocar na buksan ang huling padlock.

Mabilis na nagtatakbo palabas ng piitan ang tatlong preso na nasalubong naman si PO3 Botavara saka pinaputukan.

Nagawa ring paputukan ni PO3 Botavara ang tatlo pero nabigo itong mapigilan na tuluyang nakapuga matapos na samantalahin ang kadiliman ng gabi.

Nagpapatuloy naman ang manhunt operations laban sa tatlong pumugang preso.

ACIRC

AJIE MENDOZA

ANG

ARCADIO RONQUILLO

BALAYAN

BATANGAS PROVINCIAL

BOTAVARA

BOTAVARA BALAYAN

DIRECTOR P

JAIL OFFICER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with