Lola di-nagpautang ginulpi
MANILA, Philippines – Halos hindi na makagulapay ang 63-anyos na lola na sinasabing hindi nakapagpautang matapos itong gulpihin ng kanyang kapitbahay na lalaki sa Brgy. Malusak, Sta. Rosa City, Laguna noong Lunes ng hapon. Kasalukuyang ginagamot sa Perpetual Hospital ang biktimang si Angelita Dinco Barrinuevo ng Block 19, Lot 11 sa Stellar Street, Phase 5, Garden Villas sa nasabing barangay. Arestado naman ang suspek na si Ricardo Barrionuevo, 49, ng Park 1 sa Brgy. Aplaya sa nasabing lungsod. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, nagtungo ang suspek sa bahay ng biktima upang mangutang muli ng pera subalit tinanggihan naman ng matanda dahil sa makunat itong magbayad. Sumiklab ang pagtatalo hanggang sa gulpihin kung saan tinalian pa nito ng electric cord ang leeg at binigti. Gayon pa man, isa sa mga anak ng matanda ang umuwi at naagapan ang buhay ng ina mula sa pagkakabigti.
- Latest