Mister inutas dahil sa pautang
MANILA, Philippines – Naging mitsa ng kamatayan ng 42-anyos na mister ang paniningil nito ng pautang matapos itong pagbabarilin sa Barangay Gaulan, bayan ng Diplahan, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Wilfredo Palma Memorial Hospital ang biktimang si Ronie Romana, 4, ng nabanggit na barangay. Pansamantalang hindi tinukoy ang pagkakakilanlan sa suspek habang patuloy pa ang imbestigasyon. Sa police report na isinumite sa Camp Crame, nakaupo ang biktima sa balkonahe ng bahay ng kaniyang kapitbahay nang lapitan at pagbabarilin bandang alas-8 ng gabi. Bago maganap ang pamamaril, sinabi ng misis ng ni Romana na si Merlita Guilayan na naningil ng pautang ang kanyang mister kung saan isa sa mga ito ay nagalit pa dahil napahiya sa mga tao sa kanilang umpukan matapos na kantiyawan na makunat.
- Latest