^

Probinsiya

lto - Daet kinastigo ng mga motorista

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines – Umalma na ang mga motorista at mga may-ari ng pribadong sasakyan dahil sa isang buwan nang “offline” o walang transaksyon ang tanggapan ng Land Transportation Office sa bayan ng Daet, lalawigang ito.

Sa panayam kay LTO Chief Zaldy Martinez,  sinabi nito na noong Disyembre 15, 2015 ay nasira ang CPU ng server ng computer mula sa kumpanya ng STRADCOM na nag-aayos sa lahat ng computer ng LTO sa bansa. Sinisi dito ang umano’y madalas na pagkasira at ang “on and off” na serbisyo ng kuryente ng Camarines Norte Electric Cooperative (CANORECO).

Bunsod nito, galit na ang mga motorista at sinasabing malaking perwisyo sa kanila ang kawalan ng transaksyon sa LTO Daet kaya’t napipilitan pa silang pumunta sa karatig lalawigan upang makapag-renew ng kanilang lisensya at mga kakailanga­ning papeles para sa bagong aplikante dahil sa mabagal na aksyon ng STRADCOM. 

“Halos 50% ang multa kapag hindi mo agad naiparehistro ang sasakyan, na hindi naman namin kasala­nan kundi kasalanan ng LTO,”  pahayag ni Doming Tang, isang kilalang negosyante.

Humihingi naman ng paumanhin si Martinez  sa mga naapektuhan at patuloy aniya ang kanilang pakikipag-usap sa STRADCOM na nagsabing  posibleng sa susunod na linggo ay muling maibabalik ang serbisyo ng LTO Daet.

ACIRC

ANG

BUNSOD

CAMARINES NORTE ELECTRIC COOPERATIVE

CHIEF ZALDY MARTINEZ

DAET

DISYEMBRE

DOMING TANG

HUMIHINGI

LAND TRANSPORTATION OFFICE

NBSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with