Notoryus drug peddler, tiklo
PAMPANGA, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 21-anyos na sinasabing notoryus na drug peddler matapos itong masakote sa inilatag na drug bust operation ng pulisya sa harap ng trade school, Friendship Highway, Barangay Cut-Cut sa Angeles City, Pampanga noong Martes ng hapon. Sa police report na isinumite kay P/Senior Insp. Rolando M. Doroja, hepe ng PNP Station 5, kinilala ang suspek na si Ryan Tamayo ng Purok 1 sa Barangay Anunas, Angeles City. Nabatid na si Tamayo ay nasa talaan ng drug watchlist ng Angeles City PNP. Nasamsam sa suspek ang 2-plastic sachet ng shabu, 1.5 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana, at ilang drug paraphernalia. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5,11 at 12 ng RA 9165 ang suspek.
- Latest