^

Probinsiya

25 mangingisda kalaboso sa Indonesia

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Aabot sa 25 mangingisda mula sa Surigao City sa Caraga Region ang nabihag ngayon sa bansang Indonesia dahil sa illegal fishing.

Ayon kay Chairman Josselyn Mantilla ng Barangay Sabang, 15 sa 25 binihag ay mga residente sa nasabing barangay habang ang 10 ay taga-Barangay San Juan base na rin sa pagkumpirma ni Barangay Chairman Monina Caluna.

Base sa ulat ni Chairman Mantilla, ang mga mangi­ngisda ay lulan ng M/B RGJ na naglayag noong Nobyembre 25, 2015 at naaresto noong Disyembre 7, 2015 ng mga nagpatrolyang Indonesian Coast Guard ng Sorong City, West Papua province sa nasabing bansa.

Wala namang naipakitang permit sa pangingisda sa karagatang sakop ng Indonesia ang mga Pinoy at wala ring travel document.

Nakadetine pa rin ngayon sa Ministry of Marine Affairs and Fisheries sa Sorong City ang mga mangingisdang sina Capt. Rodrigo Puno, Jarewel Perjesa, machi­nist; crew na sina Cristobal Ilagan, Romeo Edradan, Edgar Gecozo, Ronald Buniel, Richard Cabero, Ruel Astronomo, Junnie Calundre, Joseph Calundre, Teresito Macabasag, Ronel Escultor, Roel Cabating, Alan Gucela, Jaime Govalanie, Homer Etac, Mansueto Abrao, Teodoro Dayagro Jr., Rolly Cabating, Rolando Bornea, Leopoldo Dadivas Jr., Efren Escultor, Nelson Arsaga, Jose Perjes at Max Gucela.

Nakilala naman ng Maritime Industry Authority (MARINA-Caraga) ang operator ng M/B RGJ na si Gemma Navar­ro ng Barangay Togbongon.

Patuloy naman ang koordinasyon ng Bureau of Fishe­ries and Aquatic Resources (BFAR-Caraga), PNP Maritime-13, Philippine Coast Guard at MARINA kaugnay nang nasabing report.

ACIRC

ALAN GUCELA

ANG

AQUATIC RESOURCES

BARANGAY CHAIRMAN MONINA CALUNA

BARANGAY SABANG

BARANGAY SAN JUAN

BARANGAY TOGBONGON

BUREAU OF FISHE

CARAGA

SORONG CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with