NPA attack silat sa militar
MANILA, Philippines – Nasilat ng tropa ng militar ang pag-atake ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa kabila ng umiiral ang Suspension of Military Operations (SOMO) o ceasefire sa naganap na insidente nitong unang araw ng Bagong Taon sa Brgy. Scout Fuentebella, Camarines Sur.
Sinabi ni AFP-Southern Luzon Command (SOLCOM) Spokesman Major Angelo Guzman nilabag ng NPA rebels ang tigil putukan sa nasabing pag-atake.
Ang SOMO na idineklara ng pamahalaan ay inoobserbahan ng magkabilang panig na nag-umpisa dakong alas-12:01 noong Disyembre 23, 2015 at tatagal hanggang alas-11:59 ng gabi sa Enero 3, 2016.
Sa ulat ni Army’s 83rd Infantry Battalion (IB) Commander Lt. Col. Zacarias Batalla,hinarass matapos paulanan ng bala ng tinatayang nasa sampung rebelde ang walong sundalo na kaniyang mga tauhan at anim na miyembro ng CAA (Cafgu Active Auxiliary) sa nasabing lugar na nauwi sa 20 minutong bakbakan ng magkabilang panig.
Narekober sa encounter site ang isang M14 rifle, isang AK 50 rifle, 12 backpack, 2 hand grenade, bandoleers at 18 magazine na naglalaman ng mga bala.
Samantalang, nadiskubre rin ng tropa ng mga sundalo ang landmine na itinanim na patibong laban sa tropa ng pamahalaan ng mga rebelde sa nasabing barangay may 2 kilometro ang layo sa kanilang patrol base.
Nanatili namang nakaalerto ang tropa ng militar laban sa posible pang pananabotahe sa ceasefire ng komunistang grupo.
- Latest