2,000-katao nanatili sa evacuation center
NORTH COTABATO, Philippines – Umaabot sa 2, 000 residente na nagsilikas mula sa kanilang barangay dahil sa bakbakan ang sasalubong sa Bagong Taon na nasa evacuation center sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat.
Kabilang sa 2,000 residente ay mula sa mga Barangay Kauran, Durian, Paitan, at sa Barangay Banaba ang nananatili ngayon sa Esperanza Gymnasium at humihingi ng tulong sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan para sa kanilang pangangailangan.
Napag-alamang nagsilikas ang mga residente sa takot na muling salakayin ng mga teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang mga nasabing barangay.
Dagdag ng kapitan, nais lamang ng grupong BIFF na mabigyang-pansin sila ng gobyerno sa kanilang hinihiling kabilang na ang nakabinbing Bangsamoro Basic Law.
Nagmistulang ghost town ang ilang barangay sa bayan ng Esperanza sa Sultan Kudarat at sa karatig na bayan dahil sa pangambang muling salakayin ng BIFF.
Nananawagan naman sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang mga residente mula sa apat na barangay na sana’y matulungan sila upang matigil na ang pag-atake at pagpatay ng mga rebeldeng grupo.
- Latest