Hipag sinalisihan ng bayaw
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Sinampahan ng kasong kriminal ng 22-anyos na misis ang kanyang bayaw na gumahasa sa kanya noong bisperas ng Pasko habang ang kanyang mister ay nakikipag-inuman sa mga kaibigan sa Barangay Bugallon, bayan ng Ramon, Isabela kamakalawa. Kinilala ni Chief Insp. Genesis Cabacungan, hepe ng Ramon PNP ang suspek na si Ben Domingo na nag-anyaya sa biktimang itinago sa pangalang Remedios kasama ang mister at dalawang anak na makisalo sa noche buena sa kanilang bahay. Sinasabing lumabas ang mister ng biktima upang makipag-inuman nang salisihan siya ng bayaw sa kanilang kuwarto sa tabi ng dalawang anak nito na natutulog.
- Latest