^

Probinsiya

Bangka lumubog: 23 naisalba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawampu’t tatlong mangingisda ang nasagip matapos na lumubog ang bangkang pangisda sa karagatan ng Tumalutab, Sacol Island, Zamboanga City sa Zamboanga del Sur kamakalawa. Sa ulat na isinumite ni P/Chief Insp. Rogelio Alabata sa Camp Crame, naitala ang insidente bandang alas-11:30 ng gabi habang namamalakaya ang mga mangingisdang tripulante lulan ng F/B Marlene 1. Unti-unting lumubog ang bangka matapos balyahin ng malalaking alon kung saan nawasak din ang katig ng bangka na pang-balanse nito.

Nabatid na ang mga tripulante ng bangkang pangisda ay pinamumunuan ni Romulo Carcueva Jr., at pag-aari ni Sanny Francisco ng Governor Ramos sa Brgy. Sta Maria ng nasabing lungsod.

Sa isang iglap lamang ay biglang lumubog ang Bangka kung saan 20 sa mga mangingisda ay agad namang nasagip ng F/B Krisha Mari-4 na nagkataong nangingisda rin sa nasabing karagatan.

Samantala, tatlo pa sa mga mangingisda ay nasagip naman habang palutang –lutang sa dagat na nangapit sa nawasak na bahagi ng kanilang bangka.

Ang tatlong mangingisda ay nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard kinabukasan ng umaga ay nakilala namang sina Roy Mula, 24; Raymark Sadio, 30; at si Jomar Montohen, 20, mga nakatira sa Brgy. Sta Maria.

 

ANG

B KRISHA MARI

B MARLENE

BRGY

CAMP CRAME

CHIEF INSP

GOVERNOR RAMOS

JOMAR MONTOHEN

PHILIPPINE COAST GUARD

RAYMARK SADIO

STA MARIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with