^

Probinsiya

Off-duty Marine utas sa pananambang, 4 tambay sugatan sa Cotabato

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang off-duty Marine soldier matapos tambangan ng armadong kalalakihan, habang sugatan ang apat na lalaki matapos madamay sa engkwentro ng mga awtoridad sa Cotabato City.

Nakilala ang biktimang si Technical Sgt. Leopoldo Tan Monsenera na lulan ng kaniyang motorsiklo pauwi sa kanilang bahay nang tambangan ng mga suspek na sina Jean Bakal at Mingz Almansa  sa kahabaan ng Sinsuat Avenue.

Tatakas na sana sina Bakal at Almansa nang maharang sila ng mga rumespondeng pulis at miyembro ng 5thSpecial Forces Battalion ng Army.

Tumangging sumuko ang mga suspek at pinaputukan ang mga awtoridad na nauwi sa palitan ng putok.

Nasakote ang sugatang si Bakal, habang nakatakas naman si  Almanza.

Nagtamo naman ng tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga lalaking naipit sa engkwentro na nakatambay lamang.

Kinilala ang mga sugatan na sina John Christopher Galan Lugyano, Richie Hagimit, Alfie Palanting at Danny Benito,.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang motibo sa pagpatay kay Monsenera.

 

vuukle comment

ALFIE PALANTING

ANG

COTABATO CITY

DANNY BENITO

FORCES BATTALION

JEAN BAKAL

JOHN CHRISTOPHER GALAN LUGYANO

LEOPOLDO TAN MONSENERA

MGA

MINGZ ALMANSA

RICHIE HAGIMIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with