^

Probinsiya

3 ‘tulak’ patay sa shootout

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Tatlo-katao na sinasabing notoryus drug peddler ang napatay makaraang manlaban sa mga operatiba ng pulisya habang isinisilbi ang search warrant kahapon ng madaling araw sa General Santos City. Kinilala ni P/Supt. Maximo Sebastian ng Regional Special Investigation Detection Team-12 ang tatlo na sina Jun Hassim, Suma Sultan, 33, mga nakatira sa Purok Islam, Barangay South; at isa pang hindi nakilalang lalaki. Naisugod naman sa Dr. George Royeca Memorial Hospital ang tatlo subalit idineklarang patay. Ayon kay Sebastian, sabay-sabay na pinasok ng kanyang tropa ang walong bahay subalit nagkaroon nang shootout sa tatlong bahay at bumulagta ang tatlo. Umabot sa 10-katao naman ang dinala sa Camp Lera habang nagpatuloy pa ang search operation sa inilatag na “Lambat Sibat” operations ng pulisya. Narekober ang tatlong baril at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

ANG

BARANGAY SOUTH

CAMP LERA

DR. GEORGE ROYECA MEMORIAL HOSPITAL

GENERAL SANTOS CITY

JUN HASSIM

LAMBAT SIBAT

MAXIMO SEBASTIAN

PUROK ISLAM

REGIONAL SPECIAL INVESTIGATION DETECTION TEAM

SUMA SULTAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with