^

Probinsiya

Mayor Ilagan, hinamong lumantad

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Hinamon ni Mataas na Kahoy Vice Mayor Henry Laqui ng Ba­tangas si Mayor Jay Ilagan na lumantad at harapin ang mga sinasabing kasong kriminal laban sa kanya.

Sa pulong balitaan, si­na­bi ni Laqui na hindi na­ra­­ra­pat sa mamamayan ng ba­yan ng Mataas na Ka­hoy na pagkaitan sila ng serbisyo publiko dahil sa mga kasong kinakaharap ni Mayor Ilagan.

Base sa rekord, si Ma-yor Ilagan ay nahaharap sa kasong kriminal na ipinalabas ng korte at inisyuhan ng warrant of arrest.

Sinabi ni Laqui na hindi katanggap-tanggap ang paliwanag ni Ilagan na “politically motivated” ang mga kaso laban sa kanya para hindi harapin ang mga ito.

Iginiit naman ni ex-Councilor Sonia Katigbak-Galicia, kung wala tala­gang katotohanan ang mga kaso laban kay Mayor Ila­gan ay dapat niya itong tugunan sa korte upang patunayan ang kanyang pagiging inosente.

“Patunayan mo na ikaw ay tunay na punong bayan na nagmamahal sa ating mamamayan. Patunayan mong inosente ka sa mga kaso, lumabas ka at sagutin ang kaso mo sa korte,” dagdag pa ni Galicia.

Samantala, pinanumpa ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Vice Mayor Laqui bilang acting mayor sa nasabing bayan.

Nilinaw naman ni Laqui na handa siyang bumalik sa pagiging vice mayor kung lalantad na si Ilagan at gagampanan ang kanyang tungkulin.

Hindi naman nagbigay ng panig ang kampo ni Ma­yor Ilagan.

ACIRC

ANG

COUNCILOR SONIA KATIGBAK-GALICIA

ILAGAN

KAHOY VICE MAYOR HENRY LAQUI

LAQUI

MATAAS

MAYOR

MAYOR ILA

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with