^

Probinsiya

NPA attack: Sarhento ng PAF utas

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Napaslang ang 47-anyos na sarhento ng Philippine Air Force sergeant makaraang makipagbarilan sa mga rebeldeng New People’s Army na sumalakay sa PAF detachment sa Barangay Calayo sa bayan ng Nasugbu, Batangas noong Sabado ng hapon.

Sa ulat na nakarating kay S/Supt. Arcadio Ronquillo, Batangas PNP director, sinalakay ng mga rebelde ang detachment ng 730th Combat Group ng PAF 710th Special Operations Wing kung saan sumiklab ang bakbakan.

Sa kasagsagan ng bakbakan ay tinamaan at napatay ang biktimang si S/Sergeant Armando Silvestre.

Umatras naman ang mga rebelde makalipas ang ilang minutong bakbakan.

Ang pagsalakay ng mga rebelde ay itinaon bago magsimula ang 12-araw na unila­teral ceasefire na idineklara ng Communist Party of the Philippines (CPP) na magsisimula sa Disyembre 23 hanggang Enero 3, 2016.

Noong Biyernes, nag­dek­lara naman ang pamahalaan ng 12-day unilateral ceasefire sa kahalintulad din petsa.

ACIRC

ANG

ARCADIO RONQUILLO

BARANGAY CALAYO

BATANGAS

COMBAT GROUP

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

NEW PEOPLE

NOONG BIYERNES

PHILIPPINE AIR FORCE

SERGEANT ARMANDO SILVESTRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with