^

Probinsiya

5 dedo kay ‘Nona’ sa Nueva Viscaya

Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Limang katao ang sumalubong kay kamatayan sa naganap na landslides at flashfloods na nanalasa sa kasagsagan ng bagyong “Nona” sa liblib na kabundukang bayan ng Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya kamakalawa. ?

Kinilala ni Cagayan Valley Police Director Chief Supt. Rainer Idio ang mga naha­ngo matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Barangay Lublub ay sina Mario Mislan at ang mag-iinang sina Angela Pundo, 30, Jian Pundo, 8 at Jennylyn Pundo, 4.?

Ayon kay Idio, pinaniniwalaang may dalawa pang natabunan ng putik sa lugar nang maganap ang pagguho dakong alas-6:30 ng gabi kung kaya patuloy pa ang isinasagawang search and retreival operations sa lugar.?

Sa kalapit na barangay ng Abuyo, narekober ang bangkay ni Manny Cajucom matapos tangayin ng dumadagundong na flash floods sa lugar dulot ng walang hintong pag ulan sa kabundukan.?

Ayon naman kay Ifugao Police Director Sr. Supt John Colinio, sa Alfonso Lista, Ifugao ay patuloy namang hinahanap ang nawawalang lolo na si Lino Bunag matapos tangayin ng lumaking ilog sa Barangay Caragasan sa kalakasan ng ulan dulot ng bagyo.  Raymund Catindig/Victor Martin

vuukle comment

ACIRC

ALFONSO CASTA

ALFONSO LISTA

ANG

ANGELA PUNDO

AYON

BARANGAY CARAGASAN

BARANGAY LUBLUB

CAGAYAN VALLEY POLICE DIRECTOR CHIEF SUPT

IFUGAO POLICE DIRECTOR SR. SUPT JOHN COLINIO

JENNYLYN PUNDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with