^

Probinsiya

Hostage drama: 2 utas sa granada, 4 bata sugatan!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nauwi sa trahedya ang pangho-hostage sa isang ginang ng seloso nitong live-in partner na nautas  sa kanyang pinasabog na kasama ang isang boat operator habang apat na bata ang nasugatan sa madugong hostage drama sa aplaya ng Brgy. Patalon, Zamboanga City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Chief Inspector Joel Tuttuh, spokesman ng Zamboanga City Police ang nasawing hostage taker na si Danilo Ocampo at ang nadamay na boat operator na si Boyoy Mohammad, kapwa dead-on- the-spot sa insidente.

Minalas naman tamaan ng granada ang apat na batang magkakapatid na ang bahay ay sa tabing dagat sa lugar na sina Romelyn Ramos, 12; Joe­marie Ramos, 10; James Ramos, 9 at Roger Ramos, 7, pawang nilalapatan ng lunas sa Labuan Public Hospital.

Ayon kay Tuttuh, nakaligtas sa insidente si Maritess Mañalac matapos na makatakbo habang nagwawala ang live-in partner. Tinangkang awatin ni Mohammad.

Sa imbestigasyon, si­na­bi ni Tuttuh, bandang alas-10:49 ng umaga nang mangyari ang insidente habang kadadaong lamang ng bangka ni Mohammad lulan si Ocampo at ang hinostage nitong live-in partner na si Mañalac sa tabing dagat  ng nasabing lugar.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nag-away ang nasabing mister at ang live-in partner nito bunga ng matinding selos kung saan hinostage  nito ang nasabing ginang mula sa Sibuco, Zamboanga del Norte na isinakay sa kinontratang bangka ni Mohammad patungong Zamboanga City.  Ang ginang ay naglayas umano  sa kanilang tahanan at sinundan ng suspek sa pamilya nito sa lugar.

Habang nasa tabing dagat matapos na dumaong sa Brgy. Pantalon, Zamboanga City, nagawang makatakbo ng Ginang sa kamay ng kanyang live-in partner na may hawak na granada.

Tinangkang awatin ni Mohammad ang nasabing suspek subalit sa gitna ng pagwawala nito, bigla niyang natanggal ang pin ng hawak nitong granada hanggang sa sumambulat at nasabugan ang dalawa. 

Dahil malapit lamang sa lugar ang bahay ng mga magkakapatid na paslit, minalas silang nahagip at tamaan ng mga fragment ng granada.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

BOYOY MOHAMMAD

BRGY

CHIEF INSPECTOR JOEL TUTTUH

DANILO OCAMPO

JAMES RAMOS

MOHAMMAD

NBSP

ZAMBOANGA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with