108 nagkaisa sa mass wedding
NUEVA VIZCAYA, Philippines – Matapos ang maraming taon na pagsasama bilang mag-asawa ay naging pormal na rin ang ugnayan ng 108 mag-asawa matapos magpalitan ng “I Do” sa isinagawang mass wedding sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya kahapon ng umaga. Ang nasabing mass wedding na isinagawa bilang Pamaskong handog ng Solano Women’s Club sa mga mag-asawang walang kakayahan na magpakasal dahil sa kakulangan ng gastusin. Ayon kay Women’s Club President Eufemia Dacayo, ang mga kaukulang bayarin tulad ng mga marriage papers at iba pang dokumento ay sinagot na ng Solano Women’s Club upang wala ng alalahanin ang mga ikakasal, kabilang na rin ang pagpapanotaryo ng libre sa pamamagitan naman ni Atty. Primo Marcos. Pinangunahan ni Mayor Atty. Philip Dacayo ang nasabing okasyon bilang pangunahing sponsor kabilang ang ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Solano at ang dating ina ng lalawigang ito na si Luisa ‘Banti’ Cuaresma.
- Latest