SUV bumaliktad: Tinyente dedo
QUEZON, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 25-anyos na babaeng opisyal ng Philippine Army habang tatlong iba pa nasugatan makaraang bumaliktad ang kanilang SUV sa madulas na bahagi ng highway sa Barangay Magsaysay, bayan ng Infanta, Quezon kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang namatay na si 1st Lt. Michelle Mae Delariarte habang ginagamot naman sa ospital sa Maynila ang mga sugatang sina 1st Lt. Sarah Jane Bagasol, 24; Corporal Cheryl Ramirez, 24; at si Corporal Renato Villanueva, 34, may-asawa, mga nakatalaga sa AFP 1st Infantry Battalion sa 2nd Infantry Division ng PA sa Brgy. Tongohin. Ayon sa ulat, lulan ng SUV ang mga biktimang patungo sa kanilang headquarters mula sa Maynila nang mapadaan sa madulas na kalsada kung saan nawalan ito ng kontrol at nagpaikut-ikot hanggang sa bumaliktad.
- Latest