^

Probinsiya

Basilan encounter: 15 Abu, 3 sundalo patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umabot na sa 15 bandidong Abu Sayyaf Group at tatlong sundalo ang namatay  habang 33 naman ang nasugatan sa naganap na bakbakan sa kagubatan ng Barangay Macalang sa bayan ng Al Barka, Basilan noong Martes.

Sa ulat ni Major Felimon Tan, spokesman ng AFP-Western Mindanao Command, 13 sundalo rin ang nasugatan sa nasabing engkuwentro habang aabot naman sa 20 ang sugatan sa mga kalaban.

Nabatid sa opisyal na umpisa pa noong Linggo ay ginalugad na ng tropa ng militar ang kagubatan ng Basilan alinsunod sa malawakang opensiba upang durugin ang nalalabi pang mga bandido.

Habang ginagalugad ng militar ang kagubatan ay natisod ang isang kampo ng mga bandido na nauwi sa umaatikabong bakbakan.

Tumagal ng isang araw ang sagupaan ng militar laban sa mga bandido na nag-umpisa ang girian dakong alas-5 ng umaga.

Napag-alamang namumugad sa Sulu at Basilan ang mga bandido na sangkot sa paghahasik ng tero­rismo sa Western Mindanao tulad ng pambobomba, ambushcades, kidnapping for ransom at pamumugot ng mga bihag.

Nagpapatuloy naman ang opensiba ng militar laban sa mga bandidong nagpulasan patungo sa iba’t ibang bahagi Basilan.

ABU SAYYAF GROUP

ACIRC

AL BARKA

ANG

BARANGAY MACALANG

BASILAN

HABANG

MAJOR FELIMON TAN

MGA

WESTERN MINDANAO

WESTERN MINDANAO COMMAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with