11 sasakyan sinunog ng NPA
MANILA, Philippines - Umaabot sa 11-heavy equiptments kabilang ang pitong trak ang sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang salakayin ang itinatayong mini hydro plant sa Barangay Passi sa bayan ng Igbaras, Iloilo kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ng Army’s 3rd Infantry Division, dakong alas-8 ng gabi nang salakayin ng mga rebelde sa project site ng Century Peak sa nasabing lugar.
Kabilang sa sinunog na mga heavy equiptments ay pitong trak, isang Isuzu elf truck at tatlong backhoe.
Tinatayang nasa 20 rebelde ang sumalakay sa hydro thermal plant na agad dinisarmahan ng shotgun at cal. 38 revolver ang mga security guard.
Wala namang nagawa ang mga bantay at nangangasiwa sa planta dahil armado ang mga rebelde na pumalibot sa nasabing project site.
Agad na binuhusan ng gasolina ang mga heavy equiptments saka sinilaban.
Kaagad na tumakas ang mga rebelde kung saan pinaniniwalaang pangingikil ng revolutionary tax ang isa sa motibo ng panununog.
- Latest