^

Probinsiya

Pambatong konsehal ng LP, itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinabulagta ang isang negosyante na kandidatong konsehal ng Liberal Party (LP) matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa kanilang bahay sa Barangay Poblacion Uno sa bayan ng Bansalan, Da­vao del Sur noong Miyerkules ng gabi.

Napuruhan sa kaliwang bahagi ng mukha at likuran ang biktimang si Domingo Isip habang nakaligtas naman ang driver nitong si Joel Caballero na nakasaksi sa krimen.

Base sa police report na isinumite sa Camp Crame, naitala ang krimen dakong alas-10:45 ng gabi habang papasok ang biktima sa compound ng kanilang bahay sa nabanggit na barangay.

Nabatid na kagagaling lamang sa sabungan ang biktima kasama ang driver nito nang nakasalubong si kamatayan.

Sunud-sunod na putok ang umalingawngaw kung saan duguang bumulagta ang biktima habang tumakas naman ang gunman na sumakay sa naghihintay na motorsiklo na minaneho ng hindi rin kilalang lalaki.

Kabilang sa anggulong sinisilip ng mga awtoridad ay pulitika at alitan sa negosyo ang isa sa motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BANSALAN

BARANGAY POBLACION UNO

CAMP CRAME

DOMINGO ISIP

JOEL CABALLERO

KABILANG

LIBERAL PARTY

MIYERKULES

NABATID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with