^

Probinsiya

2 pawikan nasagip sa katayan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasagip ng mga operatiba ng pulisya ang dalawang pawikan  na nalambat ng  mga mangingisda sa karagatan ng Barangay Sanito sa bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay noong  Biyernes ng umaga.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Rogelio Alabata, PNP regional spokesman na isinumite sa Camp Crame, bandang alas-10:58 ng umaga ng masagip ang mga pawikan na sinasabing kakatayin at ipagbibili ang karne.

Nabigo namang maaresto ng pulisya ang mga mangi­ngisdang nasa likod ng paghuli ng mga pawikan na bawal kunin sa dagat dahil itinuturing itong ‘endangered species’.

Kaagad nagsagawa ng rescue operation ang pinagsanib na elemento ng 902nd Maritime Police sa pamumuno ni P/Insp. Eurem Jay Macasil, Ipil PNP at Zamboanga Sibugay Police Provincial Office kasama ang mga Bantay Dagat ng Ipil matapos makatanggap ng ulat sa nalambat na pawikan sa nasabing karagatan.

“The two green sea turtles were successfully rescue by the above stated teams and examined, documented and tagged by Ipil Municipal Environment Office and DENR-PENRO (Provincial Environment Regional Office) before it was safely released back to the seaport area, Barangay Magdaup, Ipil,” pahayag ni Alabata. 

vuukle comment

BANTAY DAGAT

BARANGAY MAGDAUP

BARANGAY SANITO

CAMP CRAME

CHIEF INSP

EUREM JAY MACASIL

IPIL MUNICIPAL ENVIRONMENT OFFICE

MARITIME POLICE

PROVINCIAL ENVIRONMENT REGIONAL OFFICE

ROGELIO ALABATA

ZAMBOANGA SIBUGAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with