^

Probinsiya

NPA landmine attack: 2 sundalo utas, 3 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang sundalo ang napaslang habang tatlo pa ang nasugatan kabilang ang isang batang opisyal makaraang pasabugan ng landmine ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang tropa ng pamahalaan sa naganap na  ambush sa bulubunduking bahagi ng Catbalogan City, Samar nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa ulat, sinabi ni Captain Isagani Viernes, Public Affairs Officer  ng  Army’s 8th Infantry Division (ID), tinangay pa ng mga rebelde ang P1.8-M subsistence allowance ng mga sundalo at mga personal na kagamitan nila.

Bandang alas-7:40 ng gabi kasalukuyang bumabagtas ang KM 450 military truck na sinasakyan ng tropa ng mga sundalo nang sumabog ang landmine na itinanim sa highway ng mga rebelde saka pinaulanan ang mga ito ng bala  sa bahagi ng  national highway ng Brgy. Lagundi ng lungsod.

Sa bugso ng putukan ay napuruhan ang dalawang Enlisted Personnel (EP) na kinilalang sina Corporal Chelito Edera at Corporal Joe Campos na pawang nasawi sa insi­dente habang sugatan sina 1st Lt. Cherwin Lapura, Pfc. Rey Calabroso at Pfc Jack Macatantan.

Ayon kay Viernes, kasalukuyang pabalik na ang mga sundalo sa kanilang batalyon dala ang nasabing halaga na subsistence allowance ng mangyari ang insidente sa lugar.

Nagpapatuloy naman ang hot pursuit operations ng tropa ng militar laban sa grupo ng mga rebelde na responsable sa pananambang at pagtangay ng subsistence allowance ng tropa ng pamahalaan.

ANG

AYON

CAPTAIN ISAGANI VIERNES

CATBALOGAN CITY

CHERWIN LAPURA

CORPORAL CHELITO EDERA

CORPORAL JOE CAMPOS

ENLISTED PERSONNEL

INFANTRY DIVISION

MGA

NEW PEOPLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with