^

Probinsiya

Pugot na ulo ng Malaysian hostage, natagpuan, itinaon sa APEC Summit

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Natagpuan na ang pugot na ulo ng Malaysian hostage matapos itong brutal na patayin ng mga tero­ristang Abu Sayyaf Group sa Barangay Taran, bayan ng Indanan, Sulu noong Martes ng hapon.

Kahapon ng umaga ay kinumpirma ng opisyal na natagpuan na ang pugot na ulo ng Malaysian engineer na si Bernard Ghen Ted Fen matapos itong dalhin ng dalawang kidnaper na magkaangkas sa motorsiklo sa Barangay Walled City sa bayan ng Jolo, Sulu bandang alas-7 ng gabi.

Ang pamumugot ng ulo kay Fen ay sa gitna na rin ng pagdalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Manila ni Malaysian Prime Minister Najib Razak.

Pinaghahanap ng security forces ang katawan ni Fen na sinasabing inilibing na may ilang metro mula sa lugar kung saan ito pinugutan.

Nabatid na pinugutan ang biktima matapos namang bumagsak ang negosasyon nang tumanggi ang pamilya nito na magbigay ng P40 milyong ransom na naibaba sa P30 milyon kapalit ng kalayaan ng bihag.

Base sa tala ng military, si Fen ay binihag kasama ang restaurant mana­ger na si Thien Nyuk Fun sa Ocean King Seafood Restaurant sa Sandakan, Sabah, Malaysia  noong Mayo 15 , 2015.

Si Fun ay pinalaya noong Nobyembre 8, 2015 subalit nanatiling bihag si Fen.

Sa impormasyon nakalap ng Joint Task Group Sulu, dakong alas-4 ng hapon kamakalawa nang pugutan ng grupo nina Alden Bagade at Idang Susukan si Fen sa nasabing barangay.

Sa kasalukuyan, patuloy naman ang bombardment ng tropa ng militar sa ilang istratehikong lugar sa Sulu laban sa mga terorista na may hawak pang pitong bihag.

ABU SAYYAF GROUP

ACIRC

ALDEN BAGADE

ANG

ASIA PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

BARANGAY TARAN

BARANGAY WALLED CITY

BERNARD GHEN TED FEN

IDANG SUSUKAN

JOINT TASK GROUP SULU

MALAYSIAN PRIME MINISTER NAJIB RAZAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with