^

Probinsiya

Ama tinodas sa harap ng anak

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang mister sa kamay ng nagpakilalang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos siyang pagbabarilin sa ulo sa harap ng kanyang anak kamakalawa ng gabi sa Sitio Montanosa, Barangay Sagrada , Iriga City. Ang biktima ay si Felix Amoroso Jr. , nasa hustong gulang, may asawa at residente ng naturang lugar. Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi habang ang biktima at anak na si Carlo ay nanonood ng TV nang biglang mag-ingay at kumahol ang kanilang mga alagang aso.  Agad na lumabas sa kanilang bahay si Carlo at nakita nito ang dalawang lalaki at inutusan pa siyang tawagin sa labas ang ama.  Nang lumabas ang biktima at umupo sa isang silya sa balkon nang agad na lapitan ng mga suspek at nagpakilala silang mga miyembro ng NPA. Pinadapa pa ng mga suspek si Carlo bago sunud-sunod nilang  pinaputukan sa ulo ang ama nito. Matapos ang pamamaslang, kasuwal na naglakad papalayo ang dalawang suspek.

vuukle comment

ANG

BARANGAY SAGRADA

BIKTIMA

FELIX AMOROSO JR.

IRIGA CITY

MATAPOS

MGA

NANG

NEW PEOPLE

PINADAPA

SITIO MONTANOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with