Kawani ng electric cooperative pinaslang
November 11, 2015 | 9:00am
MANILA, Philippines – Binaril nang malapitan at napaslang ang isang empleyado ng CASURECO (Camarines Sur Electric Cooperative) na si Felix Amoroso Jr., ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sagrada, Iriga City, Albay.
Sa ulat ng pulisya, kasalukuyang naglalakad ang biktima nang sundan at pagbabarilin ito ng mga armadong suspek.
Kahit na may tama ay nagawa pa ng biktima na makatakbo, subalit hinabol siya ng mga suspek at muling pinagbabaril upang siguraduhin na hindi na mabubuhay pa.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Recommended