^

Probinsiya

Ama, 2 anak dedo sa van vs bus

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Nasawi ang mag-aama matapos na sumalpok ang kanilang sinasakyang van sa isang pampasaherong bus kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Agdangan, Baao, Camarines Sur.

Ang mga nasawi ay sina Jose Sabordo Jr. 43, may-asawa driver; anak na sina Mark Jayson,16; at John Vic, 5.

Ang mga sugatan na sakay ng van ay sina Janine Sabordo, 7; John Michael Sabordo,11; Louie Benosa; Sandy Makahilig, 38; Edilberto Baluyot, 45, pawang mga residente ng Sitio Banase, Pawili, Bula, Camarines Sur at mga pasahero ng pampasaherong bus na sina Ceasar Rayan Baluso, 28; Daniel Sagala, 25; at Aldon Canas, 32.

Sa ulat bago nangyari ang aksidente dakong alas-2:30 ng madaling araw ay sakay ang pamilya Sabordo ng Isuzu van (WLC-160) na binabaybay ang nasabing highway patungo sa Metro Manila.

Nang-overtake umano ito at nasalubong ang paparating na Philtranco bus (AJA-4870) na minamaneho ni Dennis Bolabon at nagsalpukan.

Namatay noon din ang magkapatid na sina Mark Jayson at John Vic habang dead-on-arrival sa ospital ang ama nila na driver ng van.

ALDON CANAS

ANG

BARANGAY AGDANGAN

CAMARINES SUR

CEASAR RAYAN BALUSO

DANIEL SAGALA

DENNIS BOLABON

EDILBERTO BALUYOT

JANINE SABORDO

JOHN VIC

MARK JAYSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with