Supporters ng ex-mayor: 4 katao minasaker
PAMPANGA, Philippines – Apat na kalalakihan na ang dalawa dito ay menor-de-edad ang nasawi nang pagbabarilin habang nag-iinuman ng hindi pa kilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Juan Baño, Arayat ng bayang ito.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jerry Calma, 23; Ronald Allan Lumbang, 23; Reymart Lampasa, at Nelson Soriano, kapwa 17-anyos.
Nasugatan naman sina Billy Pineda 24; Aljon Manlapaz 20; at Aljon Lumbang, 19, pawang mga residente sa nabanggit na barangay.
Sa ulat, bago nangyari ang krimen, dakong alas-8:00 ng gabi ay masayang nag-iinuman ang mga biktima nang lapitan sila ng hindi pa kilalang mga salarin at paulanan ng bala.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso kung may kinalaman sa pulitika ang krimen dahil ang mga biktima ay mga tagasuporta ng dating alkalde ng bayan na si Mayor Chito Espino.
- Latest