77-anyos lolo dedo sa drug bust
BULACAN, Philippines – Napatay ang 77-anyos na ama ng sinasabing notoryus na drug peddler matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya habang isinisilbi ang search warrant sa kanilang bahay na sinasabing may ilang metro lamang ang layo sa bahay ni Rep. Linabelle Ruth Villarica ng 4th district sa Barangay Saluysoy, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng umaga. Kinilala ang napatay na si Conrado Porcuincula habang naaresto naman ang pakay ng search warrant na sina Christian Michael Porcuincula, 39; at Atilano Ayson, 42, ng Brgy. Pandayan at sinasabing messenger/drayber ni Senator Juan Ponce Enrile. Base sa ulat na isinumite kay P/Supt. Nestor Cusi, isisilbi sana ang search warrant na inisyu ni Judge Ramon Pamular ng Guimba Regional Trial Court Branch 32, Nueva Ecija nang paputukan ni Conrado ang mga operatiba ng pulisya. Gayon pa man, nakipagpalitan ng putok ang pulisya hanggang sa mapatay si Conrado. Narekober sa bahay ng pamilya Porcuicula ang P.3-milyong halaga ng shabu, isang analog, digital weighing scale, mga drug paraphernalia, cal .45 pistol, cal. 357 revolver, cal .38 revolver, sumpak, blue book, granada, smoke bomb, bala ng M-203 granade launcher, mga bala ng baril at apat na motorsiklo.
- Latest