^

Probinsiya

Rep. Fermin naalarma sa Alvarado Express

Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - Naalarma si Bulacan 1st District Rep. Michael C. Fermin sa sinasabing pagmamadali ni Governor Wilhelmino Sy-Alvarado na magdeklara ng state of calamity sa nasabing lalawigan sanhi ng pinsala ng bagyong Lando. Sinabi ni Fermin na muling ginagamit ang Alvarado Express upang pabilisin ang proseso ng paglalabas ng pondo ng Kapitolyo kahit walang malinaw na paglalagakan nito. Hindi naman tumututol si Fermin  sa paglalagay muli ng state of calamity subalit ikinatakot aniya ang kawalan ng transparency at accountability sa parte ng administrasyon. Pinangangambahan ni Fermin na maaaring magamit sa eleksyon ang pondo ng lalawigan in disguise of projects. Sinabi pa ni Fermin na wala pang isang buwan nang magdeklara ng state of calamity ang buong lalawigan dahil sa mataas na bilang ng kaso ng dengue. Subalit hanggang ngayong ay hindi pa nakapagbibigay si Gov. Alvarado ng ulat kung saan ginamit ang P40 millyong pondo para sa dengue kung saan aabot sa P1.165? milyon ay ginamit sa pag-imprenta lamang ng mga tarpaulin. Dahil dito, hiniling ni Fermin na magsumite ang gobernador ng liquidation report bago muling isalang sa panibagong state of calamity ang lalawigan. Samantala, hindi naman makontak si Gov. Alvarado para mag bigay ng pahayag kaugnay sa  ang mga akusasyon ni Fermin.

ALVARADO

ALVARADO EXPRESS

ANG

BULACAN

DAHIL

DISTRICT REP

FERMIN

GOVERNOR WILHELMINO SY-ALVARADO

KAPITOLYO

MICHAEL C

SINABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with