^

Probinsiya

Mister iniwan ng live-in, nag-suicide

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa planong pakikipaghiwalay ng ka-live-in, nag-suicide ang 30-anyos na mister matapos itong magbaril sa sentido sa kanilang bahay sa Purok Tangan-Tangan 2, Brgy. Remedios sa bayan ng Remedios T. Lim, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Jaypee Miguel ng Brgy. JS Perfecto sa nasabing bayan. Sa ulat ni P/Chief Insp. Rogelio Alabat na isinumite sa Camp Crame,  naitala ang insidente habang magkasama ang biktima at ka-live-in na si Emelyn Manahan na lulan ng motorsiklo nang biglang huminto sa highway matapos na maubusan ng gasolina. Nabatid na sumiklab ang pagtatalo ng magka-live-in kaugnay sa pakikipaghiwalay ng babae na tumagal ng dalawang taon ang pagsasama. Gayon pa man, hindi pumayag ang biktima kung saan nagbaril ito sa harap ng babae. Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang cal. 45 pistol at dalawang basyo ng bala.

 

ANG

BRGY

CAMP CRAME

CHIEF INSP

DAHIL

EMELYN MANAHAN

JAYPEE MIGUEL

PUROK TANGAN-TANGAN

REMEDIOS T

ROGELIO ALABAT

ZAMBOANGA SIBUGAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with