^

Probinsiya

4 patay, 1 kritikal sa ambush

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat-katao kabilang ang dalawang opisyal ng barangay ang napatay matapos tambangan ng mga di-kila­lang kalalakihan sa bahagi ng Gandara river sa bayan ng Gandara, Samar noong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang mga napatay na sina Kagawad Michael Ocong, 41; Kagawad Alvin Casaljay, 25, mga nakatira sa Barangay Beslig; Pepe Ocong, 55, asawa ni Chairwoman Maria Ocong; at ang 18-anyos na si RR Ocong.

Samantala, kritikal naman ang 49-anyos na si Aquino Ocong na kasalukuyng binabantayan ng pulisya kung saan pinaniniwalaang makapagbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Base sa police report, nag­lalayag ang mga biktima sa Gandara River patungong town proper nang ratratin ng grupo ng kalalakihan.

Nakaabot naman sa him­pilan ng pulisya ang naganap na insidente matapos ipagbigay-alam ni Sgt. Cortez ng Cafgu Detachment ang impormasyon mula kay Barangay Tanod Tito Lomentigar ng Barangay Beslig.

Kinumpirma naman ni Samar Governor Sharee Ann Tan na ang mga biktima ay kanyang tagasuporta subalit hindi nagbigay ng komento kung may kaugnayan sa pulitika ang pananambang.

Sinisilip naman ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa pagpatay kay Barangay Chairman Alex Reposar at kanyang anak na batang lalaki at driver ng motorized banca noong nakalipas na taon ang naganap na pagpatay kay Ocong. Freeman News Service

ACIRC

ANG

AQUINO OCONG

BARANGAY BESLIG

BARANGAY CHAIRMAN ALEX REPOSAR

BARANGAY TANOD TITO LOMENTIGAR

CAFGU DETACHMENT

CHAIRWOMAN MARIA OCONG

FREEMAN NEWS SERVICE

GANDARA

GANDARA RIVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with