^

Probinsiya

Holdaper dedo sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napatay ang sinasabing notoryus na holdaper matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya ilang minuto matapos nitong agawin ang cellphone ng isang kasambahay sa Sta. Rosa City, Laguna noong Sabado ng umaga.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Florendo Saligao na isinumite sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga sa Dictado Compound sa Barangay Tagapo.

Lumilitaw na naglalakad habang nagte-text ang 19-anyos na kasambahay na si Roselyn Dultran nang bigla na lamang sumulpot ang suspek na armado ng cal. 38 revolver.

Tinutukan ng suspek ang biktima sabay deklara ng holdap.

Pumalag naman ang biktima na tumangging ibigay ang kaniyang cellphone kaya hinampas ito ng baril sa labi saka isinalya sa kalsada.

Agad namang nagsisigaw at humingi ng tulong ang biktima kung saan ay umagaw ng atensyon sa mga pulis na lulan ng patrol car kaya hinabol ang suspek.

Gayon pa man, tumangging sumuko ang holdaper kahit nag-warning shot ang mga pulis kung saan binaril pa ang patrol car ng pulisya kaya  gumanti ng putok hanggang sa mapatay ang suspek na kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan.

vuukle comment

ANG

BARANGAY TAGAPO

CAMP CRAME

DICTADO COMPOUND

FLORENDO SALIGAO

GAYON

LUMILITAW

NAPATAY

ROSA CITY

ROSELYN DULTRAN

SENIOR SUPT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with