^

Probinsiya

2 utas sa road mishap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawa-katao ang namatay habang 22 naman ang nasu­gatan makaraang suwagin ng mini-bus ang dalawang dyipney, bisikleta bago ito sumalpok sa poste ng kuryente sa kahabaan ng highway sa  Mandaue City, Cebu kahapon ng umaga.

Idineklarang patay sa Mandaue City District Hospital ang security guard na  si Edwin Rago na lulan ng bisikleta; at isang misis na inaalam pa ang pagkakakilanlan na namatay naman sa Eversley Childs Sanitarium Hospital.

Patuloy namang ginagamot sa ospital ang mga sugatang pasahero ng mini-bus.

Sa ulat ng Cebu City PNP na isinumite sa Camp Crame,  naitala ang sakuna sa kahabaan ng Mc Briones Street sa panulukan ng Dungyuan Road, Basak sa Mandaue City bandang alas-5 ng umaga.

Nabatid na nawalan ng preno ang minibus (GWN 430) ni Antonio Abatayo mula sa bayan ng Carmen na patungong Cebu City kaya sinalpok ang dalawang pampasaherong jeepney, isang bisikleta, at ang dalawang sibilyan bago ito tuluyang sumalpok sa poste ng kuryente.

Bukod sa dalawang jeepney at bisikleta ay minalas ding mahagip ang dalawang sibilyan kabilang ang babaeng may bitbit na aso habang nagjo-jogging na namatay sa trahedya.

ACIRC

ANG

ANTONIO ABATAYO

CAMP CRAME

CEBU CITY

DUNGYUAN ROAD

EDWIN RAGO

EVERSLEY CHILDS SANITARIUM HOSPITAL

MANDAUE CITY

MANDAUE CITY DISTRICT HOSPITAL

MC BRIONES STREET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with