^

Probinsiya

Tulak na carnapper todas sa shootout

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Patay ang sinasabing notoryus na drug pusher at carnapper matapos na kumasa sa pulisya sa naganap na habulan at palitan ng putok sa Brgy.Tigbe, Norzagaray, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Naisugod pa sa Sapang Palay District Hospital sa San Jose Del Monte City subalit hindi na umabot pa ng buhay ang napatay na si Francisco “Notnot” Yumol, nakatala na No.1 sa top ten drug watch list ng Bulacan PNP.

Base sa ulat kay Provincial Director P/SSupt. Ferdinand Divina,  dakong ala-1:45 ng madaling araw habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Provincial Public Safety Company sa Brgy.Tigbe  nang mapansin nila ang isang motorsiklong Yamaha MIO (1727-WC) sa isang madilim na bahagi ng daan at tila may hinihintay.

Dito na tinangkang lapitan at sitahin ni P/S Insp. Sean Logronio ng 4th Manuever Platoon ng PPSC ang suspek subalit sa halip ay agad na pinaandar ang motorsiklo at sumibat bunsod upang habulin ng mga pulis. Pinaputukan umano niya ang mga pulis kaya napilitan silang gumanti na kanyang ikinabulagta.

Narekober sa suspek ang isang .32 calibre ng baril, 32 sachet ng shabu at motorsiklong ginamit. Sa record, sangkot ang suspek sa serye ng mga carnapping sa iba’t ibang lugar.

ANG

BRGY

BULACAN

FERDINAND DIVINA

MANUEVER PLATOON

PROVINCIAL DIRECTOR P

PROVINCIAL PUBLIC SAFETY COMPANY

S INSP

SAN JOSE DEL MONTE CITY

SAPANG PALAY DISTRICT HOSPITAL

SEAN LOGRONIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with