^

Probinsiya

Coed, 2 bata nilamon ng apoy

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines – Tatlo-katao ang iniulat na namatay makaraang masunog ang kanilang bahay sa Purok Sagana, Barangay Mangandingay sa Muñoz City, Nueva Ecija, noong Lunes ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang mga namatay na sina Chrissia Mae Lugo, 18, 2nd year college student sa Central Luzon State University; Margie Dimaano y Villa­nueva, 11, Grade 5 pupil; at pinsan nitong si Amylee Dial y Dimaano, 9, Grade 3 pupil. Sugatang nakaligtas ang 12-anyos na si Mc Verly Salcedo matapos itong makalabas ng kanilang bahay. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na nakatulog ang mga biktima sa bahay ni Neliza Nanduani habang nakasindi ang kandila sa ibabaw ng plastic table. Pinaniniwalaang natumba ang kandila dahil sa lakas ng hanging dulot ng bagyong Lando kaya naganap ang sunog.

ACIRC

AMYLEE DIAL

ANG

BARANGAY MANGANDINGAY

CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY

CHRISSIA MAE LUGO

MARGIE DIMAANO

MC VERLY SALCEDO

NELIZA NANDUANI

NUEVA ECIJA

PUROK SAGANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with