Lalaking dumulog sa istasyon ng pulis, tiklo sa nahulog na shabu
MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang lalaki matapos mahulihan ng ilegal na droga sa loob ng istasyon ng pulis.
Nais lamang ni Lodergario Esnoche na magpatulong sa mga pulis na mahanap ang kaniyang nawawalang tricycle, ngunit hindi niya inakalang siya ang makukulong.
Ayon sa Banga municipal police station sa South Cotabato, dumulog sa kanilang tanggapan si Esnoche Martes ng umaga upang magpatulong na mahanap ang tricycle niya na ninakaw.
Nahulog ang P200-halaga ng shabu mula sa kaniyang wallet matapos siyang hingian ng identification card ng mga pulis upang matiyak ang kaniyang pagkakakilanlan.
Nakita ng mga pulis ang shabu kaya naman inaresto ang suspek.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Philippine Dangerous Drugs Act
The Banga municipal police had said in an official statement investigators will charge Esnoche with violation of the Philippine Dangerous Drugs Act using the shabu recovered from his possession as evidence against him.
- Latest