^

Probinsiya

College stude utas sa hazing

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines  - Patay ang 26-anyos na estudyante ng St. Lukes Institute Kabacan matapos sumailalim sa hazing ng initiation ng fraternity sa bayan ng Kabacan, North Cotabto kahapon ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Insp. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Bobong Bualan, kasalukuyang nangungupahan sa Bai Matabay Plang Village IIA sa Barangay Poblacion sa nasabing baya.

Batay sa ulat, bago ang insidente ay kasama pa ng biktima na pumasok sa boarding house ang estudyanteng si Leo Terante sa panulukan ng Aglipay at Bonifacio Street sa Kabacan.

Bigla na lamang uma­nong nahimatay ang biktima habang nakaupo sa terrace ng nasabing boarding house.

Kaagad na isinugod si Bualan sa pinakamalapit na bahay-pagamutan su­balit idineklarang patay.

Ayon sa report, nagtamo ng maraming pasa at sugat ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan buhat sa pagpalo sa kanya ng mga kabaro mula sa Tau Gamma Phi Sigma na nakabase naman sa University of Southern Mindanao Chapter.

 

ACIRC

BAI MATABAY PLANG VILLAGE

BARANGAY POBLACION

BOBONG BUALAN

BONIFACIO STREET

KABACAN

LEO TERANTE

NORTH COTABTO

RONNIE CORDERO

SENIOR INSP

ST. LUKES INSTITUTE KABACAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with