^

Probinsiya

Hepe ng Marawi City PNP, dedo sa ambush

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - Patay ang hepe ng Marawi city PNP makaraang tambangan ng mga hindi kilalang kalalakihan sa bisinidad ng Barangay Luksa Datu sa Marawi City, Lanao del Sur kahapon ng hapon.

Ayon kay Lanao del Sur provincial PNP director P/Senior Supt. Seigfred Ramos, kinilala ang biktima na si Marawi City PNP Station director Al Wahab Santos.

Nabatid na ilang beses nang nakatanggap ng mga banta ng buhay si Santos dahil sa walang humpay na anti-criminal operation campaign kung saan marami ang naninibago at nagtanim ng galit.

Inihayag pa nito na nagmungkahi pa ito kay Santos na magkaroon ng personal security escort sa mga lakad dahil sa panganib ng kanilang trabaho.

Kaugnay nito, pansamantalang hahalili sa iniwang puwesto ni Santos ang deputy provincial police director ni Ramos.

Napag-alaman na pauwi na si Santos mula sa command conference nang tambangan ng mga kalalakihan lulan ng pribadong sasakyan.

Sa official statement na ipinalabas ng gobernador na kaniyang sinabi - “We grieve over the murder of Marawi Police Chief Al Abner Wahab Santos, and condemn the highest possible terms this heinous and cowardly act that demonstrates brutality and an utter lack of regard for the value of human life.”

Nais ni Gov. Mujiv Hataman na maresolba kaagad ang kasong pagpatay sa chief of police.

 

AL WAHAB SANTOS

AYON

BARANGAY LUKSA DATU

INIHAYAG

KAUGNAY

LANAO

MARAWI CITY

MARAWI POLICE CHIEF AL ABNER WAHAB SANTOS

MUJIV HATAMAN

SEIGFRED RAMOS

SENIOR SUPT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with