^

Probinsiya

Bangka lumubog: 27 katao nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawampu’t pito katao kabilang ang anim tripulante ang nasagip matapos na aksidenteng lumubog ang pampasaherong bangka na sinasakyan ng mga ito nang balyahin ng malalaking alon sa karagatan ng Brgy. Punta Engaño sa Lapu-Lapu City, Cebu kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Office of Civil Defense (OCD), dakong alas-8:00 ng umaga ng maganap ang insidente sa bahagi ng nasabing karagatan malapit sa Camotes Island.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-9:00 ng gabi ay umalis ang bangkang M/B Mansan sa Talibon, Bohol.

Ang nasabing bangka ay magbibiyahe  ng mga isda, seaweed, tulya at iba pang produktong dagat sa palengke ng Brgy. Pasil sa lungsod ng Cebu.

Sa pahayag ng kapitan ng bangka na si Norberto Aparice, maayos pa ang lagay ng karagatan ng umalis sila sa Talibon, Bohol gayunman habang naglalayag ay hinampas sila ng malalaking alon at naputol ang katig ng bangka bunsod upang tumagilid ito at pasukin ng tubig.

Napilitan na silang  itapon sa dagat ang kanilang mga karga, pero lumubog pa rin ang Bangka kaya nagsuot sila ng life jacket gayundin ang kanilang mga pasahero at nanguyapit sa tagiliran ng bangka hanggang sa dumaan ang  barkong  M/V Filipinas Dinagat ng Cokaliong Shipping Lines  at nasagip ang mga ito.

ANG

B MANSAN

BOHOL

BRGY

CAMOTES ISLAND

CEBU

COKALIONG SHIPPING LINES

LAPU-LAPU CITY

NORBERTO APARICE

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

PUNTA ENGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with